-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni US President Donald Trump na mayroon itong ipapadala na mga armas gaya ng Patriot air defence system sa Urkraine.

Sinabi nito na ang nasabing mga armas ay ipapadala at babayaran ng NATO o North Atlantic Treaty Organization.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng matagumpay na pag-uusap nina Trump at si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sa nasabing pag-uusap ay hiniling ng Ukrainian President kay Trump ng 10 Patriot system para maharang ang Russian drones at missiles.

Ang Patriot batteries ay kayang mag-detect at magharang ng mga paparating na missiles.
Itinuturing ito bilang pinakamagandang air defence systems.