-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.70 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P1.40 na pagtaas sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong P0.80 na pagtaas sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang nasabing pagtaas ay dahil sa mataas na oil demands ganun din ang geopolitical tension sa Red Sea.
Inaasahan naman ng DOE na magkakaroon ng pagbawas ng presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng produksyon ng mga Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ganun din ang mataas na taripa na ipinatupad ni US President Donald Trump sa mga bansa.