Iniimbestigahan na ng mga kapulisan sa Rio de Janeiro, Brazil ang pag-aatake sa actor na gumanap na gay “Jesus Christ” sa online streaming service.

Naganap ang pang-aatake sa Porta dos Fundos studio kung saan ginawa ang 46-minuto na pelikulang “Christ’s First Temptation”.

Ang nasabing pelikula ay ipinalabas sa Netflix noong Disyembre 3 kung saan kinondina ito ng iba’t-ibang mga grupo.

Kabilang sa mga dito ay ang anak ng far-right President Jair Bolsonario na si Eduwardo.

Ayon pa sa mga kritiko na bagamat mayroong freedom of expression na nagaganap ay naniniwala ang mga ito na ang nasabing pelikula ay isang uri ng pang-aatake sa malaking populasyon ng Katolika.