-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na magkakaroon lamang ng bahagyang “supply gap” sa mga imported na frozen chicken sa bansa.

Kasunod ito ipinatupad ng DA na pagbabawal ng pag-angkat ng mga poultry products mula sa bansang Brazil dahil sa sakit na bird flu.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magiging hanggang isa o dalawang linggo lamang ang supply gap sa mga imported commodity.

Pagkatapos aniya ng dalawang ay makakabalik na sa normal ang supply gap na tinatawag.

Pagtitiyak din nito na gumagawa ng paraan ang gobyerno para matugunan ang nasabing usapin.