-- Advertisements --
Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng moratorium para sa mga reclassification ng mga agricultural lands hanggang sa buwan ng Hunyo.
Layon nito ay para maiwasan ang hindi tamang pag-convert ng mga agricultural land.
Nakasaad sa Department Circular No.1 na pansamantala muna nilang sinususpendi ang pagtanggap at pagproseso ng mga aplikasyon sa mga certification sa land-use reclassification.
Habang ipinapatupad ang suspension ay bibisitahin ng DA ang mga polisiya para mapalakas ito at maiwasan na basta na lamang ma-convert sa ang mga agricultural land.
















