-- Advertisements --

Ipinakita na ng FIFA ang lugar kung saan gaganapin ang 2027 Women’s World Cup sa Brazil.

Isa sa mga napili ay ang Maracana stadium sa Rio de Janiero.

Kabilang din ang mga lugar na Belo Horizonte, capital Brasilia, Fortaleza, Porto Alegre, Recife, Salvador at Sao Paulo .

Lahat aniya ng mga stadium na nabanggit ay ginamit na noong 2014 men’s World Cup kung saan host din ang Brazil.

Sa Maracana stadium ay doon tinalo ng Germany ang Argentina sa extra time.

Sinabi ni FIFA secretary general Mattias Grafstrom, na ang nasabing sports ay lumalaki sa Brazil kung saan inaasahan nila na marami pa ang magkakainterest dito.