Magtutulungan ngayon ang Department of Education at Department of Information and Communications Technology upang maisakatuparan ang layon na magkakaroon ang lahat ng pampublikong eskwelhan ng internet connection.
Anila’y ito ay nais nilang maabot bago ang huling bahagi ng kasalukuyang taon 2025 kaya’t kanilang minamadali at ginagawa na ang lahat para lamang makami ang ‘full internet connectivity’ sa mga public schools sa Pilipinas.
Ang Department of Education o DepEd sa koordinasyon kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay naniniwalang posible ito lalo pa’t pormal ng inilunsad ang Phase 2 at 3 ng National Fiber Backbone nitong nakaraan na pinangunahan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Saklaw ng pagpapalawak sa National Fiber Backbone program ng gobyerno ang dagdag na 31 bagong connection points sa Luzon, Visayas at Mindanao mapaigting ang bandwidth at digital access sa mga probinsya, government offices, at public schools na nasa geographically isolated and disadvantaged areas. (GIDAs).
Anila’y ang inisyatibong ito ay makabebenipisyo sa higit 600 government sites at nasa 17 milyon mga Pilipino.