-- Advertisements --

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko sa panibagong uri ng trafficking scheme sa Pakistan.

Ayon sa BI na mayroong silang naharang na apat na Filipino na dinadala sa Pakistan para iligal na magtrabaho sa mga online gaming hubs.

Sa ginawa nilang pagtatanong sa tatlong babae at isang lalaki ay unang sinabi nila na magbabakasyon lamang sila Hong Kong subalit ng imbestigahan ay patungo ang mga ito sa Pakistan.

Ibinunyag nila na sila ay ni-rerecruit ng isang Chinese national at nangakong magsasahod ng hanggang P45,000.