-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos ang pagkasunog ng hot air balloon sa Brazil.
Ayon sa mga otoridad na mayroong kabuuang lulan na 21 katao ang hot air baloon sa Praia Grande ng ito ay masunog.
Sa nasabing lugar palaging ginaganap ang mga hot air balloon tuwing buwan ng Hunyo.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay sa mga kaanak ng biktima si President Luiz Inácio Lula da Silva.
Patuloy din na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing aksidente.