-- Advertisements --
Tinanggal na ng Department of Agriculture ang ban sa mga poultry products na galing sa bansang Brazil.
Base kasi sa datos ng World Organization for Animal Health, na wala na silang naitalang Avian influenza outbreaks sa bansa mula pa noong Hunyo 18.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, na ang malaking tulong ang Brazil at isa ito sa mga pinagkukuhanan ng livestock at poultry.
Ang nasabing pagtanggal ng ban ay agarang magiging epektibo.
Dahil dito ay umaasa ang opisyal na mapapababa na ang presyo ng mga poultry products sa bansa.