-- Advertisements --

Natagpuang patay ng mga otoridad ang babaeng Brazilian na nahulog sa Mount Rinjain sa Indonesia.

Matapos ang apat na araw ay nakita ng mga otoridad ang bangkay ng hiker na si Juliana Marins.

Kasama ang 26-anyos na Brazilian sa grupo ng mga hikers na nagtungo sa pangalawa sa pangalawang pinakamataas na bundok sa Indonesia.

Natagalan ang paghahanap sa biktima dahil sa sama ng panahon.

Nanggaling na sa Thailand at Vietnam ang biktima bago ito dumating sa Lombok Island, Indonesia.

Nagpasalamat ang pamilya ng biktima dahil sa mga dasal na ipinarating sa kanila.