-- Advertisements --
Patuloy ang pagbibigay babala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko sa talamak pa rin na mga pekeng investment scheme.
Ayon sa SEC na gumagamit ngayon ang mga suspek ng deepfakes videos para magmukhang kapani-paniwala ang panghihikayat.
Kadalasan na mga ginagamit nila ay mga sikat at malalaking negosyante sa bansa.
Dahil dito ay hiniling nila sa mga mambabatas na magpasa ng batas laban sa paglaganap ng mga deepfakes videos.
Patuloy din ang ginagawa nilang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.