Opisyal nang ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang blended learning sa lahat ng pampublikong paaralan bilang tugon sa mga suliraning gaya ng kakulangan sa silid-aralan at mga pagkaantala dahil sa sakuna.
Sa bisa ng Ordinansa SP-3405, S-2025 na nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte, layunin ng programa na tiyakin ang tuloy-tuloy, flexible, at dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa lungsod.
Saklaw ng ordinansa ang paglipat sa blended learning sa oras ng mga emergency tulad ng malalakas na pag-ulan, matinding init, o kakulangan sa pasilidad.
Bilang suporta, namumuhunan ang lungsod sa mas mahusay na koneksyon sa internet sa mga paaralan, pagsasanay ng mga guro, at edukasyon sa mga magulang at mag-aaral.
Pinag-aaralan din ang paggamit ng mga underutilized na espasyo bilang learning hubs na may Wi-Fi at gamit sa pag-aaral.