Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang tatlong kasong kriminal laban sa drag queen na si Pura Luka Vega o si Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay.
Sa 25-pahinang resolusyon ng QC RTC Br. 306 ay tinanggap nila ang kampo nito na nagsasabing hindi sapat ang mga ebidensya na iprinisenta ng prosecutors.
Pirmado ni QC RTC Br. 306 Judge Dolly Rose Bolante-Prado ang nasabing desisyon.
Ang mga ibinasurang kaso ay kinabibilangan ng paglabag sa Revised Penal Code in relation to Section 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nakita rin ng korte na ang tatlong pribadong complainants ay walang legal na karapatn o legal na personalidad para magsampa ng kaso.
Hihintay pa ni Pagente ang pinal na desisyon dahil sa inaasahang maghahain ng mosyon ang mga complainant.