-- Advertisements --

Tumaas ng 155% ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Quezon.

Sa datos ng pamahalaang lungsod, nakapagtala ng 6,872 dengue cases mula Enero 1 hanggang Agosto 17 ng kasalukuyang taon mula sa 2,503 cases sa parehong period noong 2024.

Ayon sa QC government, karamihan sa mga dinadapuan ng sakit ay 10 taong gulang pababa na may 3,407 cases.

May 23 pagkasawi naman ang naitala na sa lungsod dahil sa dengue.

Nauna ng ipinaliwanag ng DOH na bahagyang tumaas ang mga kaso ng dengue sa bansa kasunod ng mga pag-ulan dulot ng habagat at mga bagyo na tumama sa bansa noong Hulyo.

Nananatili namang naka-alerto ang ahensiya sa mga kaso ng dengue sa bansa at nananatiling bukas o aktibo ang dengue fast lanes sa mga ospital ng DOH.

Patuloy ding pinapayuhan ang mga residente na linisin ang mga nakatiwangwang na tubig na maaaring pamugaran ng lamok, magsuot ng protective clothing at repellents partikular na tuwing madaling araw at maggagabi dahil dito mas aktibo ang dengue vectors.