Isinusulong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang magtatatag sa pantay na proteksyon sa karapatan ng mga buntis mula sa paglilihi hanggang sa kapanganakan, kabilang ang serbisyong medikal, gamot at mga suplementong kaugnay ng pagbubuntis.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1443, magkakaroon ng 20% na diskwento ang mga buntis sa lahat ng serbisyong medikal na may kaugnayan sa pagbubuntis, kabilang an check-up, laboratory, gamot, at mga kinakailangang suplemento na siyang makakatulong upang mabawasan ang bigat ng gastusin ng mga ina sa pagbubuntis.
Kung sakaling maisabatas ay babantayan at ipapatupad ito ng Department of health (DOH) at ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa mga opsital, diagnostic centers, at healthcare providers, ang Department of Trade and Industry (DTI) naman para sa mga botika sa loob at labas ng ma ospital, at ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa mga medical professional.
Saklaw ng panukala ang mga kababaihan mula sa paahon ng pagbubuntis, sa mismong panganganak, at hanggang animnapung (60) araw matapos manganak. habang nakasaad din ang pagbibigay ng special medical leave na katumbas ng 10 araw na may bayad, na maaring magamit ng buntis kung kinakialangan ang bed rest na sertipikado ng isang lisensyadong obstetrician-gynecologist.















