-- Advertisements --

Niyanig ng Magnitude 5.8 na lindol ang bahagi ng Mindanao kaninang madaling araw, Disyembre 22, 2025, alas-1:53 ng umaga, ayon sa ulat ng PHIVOLCS.

Ang sentro ng lindol ay tinukoy sa 133 kilometro hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 20 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig o dulot ng paggalaw ng tectonic plates.

Naramdaman ang Intensity III sa Hinatuan at sa Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Bislig City, habang Intensity I sa Cabadbaran, Agusan del Sur.

Wala pang ulat ng pinsala o nasawi sa nasabing pangyayari, ngunit may mahihinang aftershocks na naitala mula kaninang madaling araw.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng PHIVOLCS hinggil sa pangyayari.