-- Advertisements --

Binatikos ng Russia ang plano ng European Union at Ukraine sa isinusulong ng ceasefire plan ng US para matapos na ang giyera.

Ayon sa Russia na ang pagbabagong gagawin sa nasabing orihinal na plano ay hindi makakamit ang tunay na adhikain.

Ang nasabing batikos ay matapos na makipagpulong ang EU kasama ang Ukraine sa kinatawan ng US para ihayag ang nais nilang pagbabago.

Sa unang bahagi kasi ng ceasefire deal ay hindi pumabor ang Ukriane dahil sa mas pumapanig ito sa Russia.

Magugunitang isinusulong ng US ang ceasefire deal para tuluyang matapos na ang halos apat na taon na giyera sa pagitan ng Russia at Ukriane.