-- Advertisements --
Nagsagawa ng palitan ng prisoners of war at sibilyan ang Russia at Ukraine.
Naganap ito matapos ang dalawang araw na peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia na ginanap sa Abu Dhabi.
Mayroong kabuuang 157 na mga Ukrainians kung saan pito dito ay mga sibilyan at 157 na mga sundalo ng Russia ang nakauwi na.
Ito ang unang prisoners swap ng dalawang bansa sa loob ng apat na buwan.
Una rito ay nagkaroon ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US, Russia at Ukriane para tuluyan ng matapos ang apat na taon na kaguluhan.
Makailang ulit ng nagsagawa ng pag-uusap subalit hindi pa rin nagkakaroon ng konkretong plano para tuluyang matapos ang kaguluhan.











