Nagbabala ang isang progresibong grupo laban sa anumang tangkang pakikialam o manipulasyon sa mga dokumentong may kaugnayan sa kaso ng yumaong si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral — lalo na matapos ilabas ang resulta ng autopsy.
Nanawagan ang Samahan ng Progresibong Kabataan ng agarang at masusing imbestigasyon sa biglaang pagkamatay ni Cabral.
Batay sa autopsy na isinagawa kay Cabral lumabas na blunt force trauma ang kanyang ikinamatay at walang senyales ng “foul play,” ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.
Ayon sa samahan, ang kahina-hinalang pagkamatay ni Cabral ay nangangailangan ng pinakamataas na antas ng pagsusuri mula sa mga forensic expert na nagmumula sa civil society, pribadong sektor, at akademya.
Anila, sa ganitong paraan lamang maisusulong ang diwa ng hustisya at pananagutan, kahit pa tila pinawi ng kanyang hindi inaasahang pagpanaw ang pag-asang ito.














