Umapela si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa pamahalaan na protektahan na ang mga naging kasamahan ni dating Department of Public Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral.
Naniniwala si Leviste na malawak din ang kaalaman ng kaniyang mga naging staff, kasunod ng maraming files na ipinasakamay sa kaniya ng namayapang opsiyal.
Kabilang sa mga tinukoy ni Leviste ang mga encoder o nagsulat sa mga file na hawak ni Cabral. Kasama rito ang iba pang staff ni Cabral na may kaalaman sa nilalaman ng mga nabanggit na file.
Tinukoy din ni Leviste si DPWH Assistant Secretary for Planning, Public-Private Partnership, and Legislative Liaison Office Alex Bote sa mga dapat mabigyan agad ng proteksyon mula sa pamahalaan.
Si Bote, ayon sa mambabatas, ay ang nagtakda at nag-ayos sa kaniyang pakikipagpulong noon kay Cabral, ilang buwan na ang nakakalipas.
Naniniwala si Leviste na hanggang ngayon ay may kopya pa rin ang dating opisina ni Cabral sa mga file na ipinasakamay sa kaniya.
Samantala, maliban sa mga written document ay mayroon ding video atbpang uri ng digital file sa mga ipinasakamay ng namayapang undersecretary.
Nakapaloob dito ang listahan ng lahat ng mga public infrastructure project sa buong bansa, lokasyon, proponents, pondo, atbpang mahahalagang impormasyon.
















