Inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng malalimang pagsusuri ukol sa mga naiturn-over ng kompyuter at dokumento ng namayapang Department of Public Works and Highways Usec. Catalina Cabral.
Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico F. Clavano, isasailalim sa ‘digital forensic examination’ ang Central Processing Unit o C.P.U. na gamit ng dating opisyal.
Nitong nakaraan linggo lamang kasi ay kadyat na itinurn-over ng Department of Public Works and Highways sa Office of the Ombudsman ang mga dokumento at KompYuter hawak dati ng pumanaw na Undersecretary.
Ito’y alinsunod isyuhan ng opisina ang kagawaran ng ‘subpoena duces tecum’ nag-uutos para i-produce ang naturang mga gamit.
Nitong nakaraan lamang din kasi ay ikinagulat ng karamihan ang biglaang pagkamatay ni former Public Works Usec. Catalina Cabral.
Kung kaya’t ibinahagi ni Assistant Ombudsman Clavano na silay naghahanda na para sa isasagawang ‘digital forensic examination’.
Kanyang inihayag na titiyakin ng Office of the Ombudsman na magiging bukas o ‘transparent’ ang isasagawang pagsusuri.
Makakatuwang aniya raw nila rito ang Commission on Audit o COA, Department of Public Works and Highways, at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.
Para matiyak ang intergridad sa isasagawang proseso o ang ‘digital forensic examination’ ng CPU ni Cabral.
Dagdag pa niya’y sa kasalukuyan ay kanila ng sinegurong nakaselyado ang naiturn-over ng CPU sa opisina ng tanod-bayan.
Ikinunsidera aniya ito ng Ombudsman bilang ‘critical development’ lalo na sa imbestigasyon buhat ng maipresenta mismo ang orihinal ebidensya.
Naniniwala kasi ang Ombudsman na ang pinakamapagkakatiwalaang pinagmulan ng ebidensya ay ang siyang mula sa ahensya ng pamahalaan at indibidwal na may hawak mismo nito.
Mas maigi aniya ang mga direkteng ‘source’ kaysa mga kopya lamang.
















