Isasagawa na mamayang hatinggabi ang taunang Hesus Nazareno Thanksgiving Procession ng Quiapo Church sa lungsod ng Maynila.
Hinimok ang mga deboto sa sama-samang pananalangin at pasasalamat sa Diyos bago matapos ang taong kasalukuyan.
Magkakaroon pa muna ng pagsasaayos o ‘assembly’ mamaya habang opisyal na sisimulan ang prusisyon ng alas-dose ng hatinggabi ng ika-31 ng Disyembre.
Subalit, paalala ng pamunuan ng Simbahan na wala munang magaganap na pasanan at paghihila sa lubid sa naturang prusisyon.
Ayon kay Alex Irasga, Technical and Procession Management Adviser ng Quiapo Church, gagamitin para sa imahen ng Hesus Nazareno ay isasakay sa isang karosa nasa truck.
Palilibutan aniya ito ng mga Hijos ng simbahan at pati Hijos Pulis ng Philippine National Police para matiyak maprotektahan ang imahen.
Inaasahang tatagal at matatapos ang ‘thanksgiving procession’ ng dalawa hanggang tatlong oras lamang aniya.
















