-- Advertisements --

Umapela ngayon ng agarang imbestigasyon ang Digital advocates na Digital Pinoys para malaman ang katotohanan sa bali-balitang sapilitang pagkuha ng mga files ng Department of Public Work and Highways .

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo na ito ay isang seryosong usapin na kailangang pagtuunan ng pansin.

Una nang napaulat na sapilitan umanong kinuha at inaccess ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang naturang mga mahahalagang dokumento mula sa opisina ng yumaong si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.

Paliwanag ni Gustilo , ang mga government files at digital files ay mayroong umiiral na framework of custody, authorization at chain of accountability.

Aniya , anuman ang layunin, ang pag-bypass sa ganitong mga dokumento ay naglalagay sa pagkaka kumpurmiso ng data integrity at maaaring magdulot ng pagpapahina ng tiwala ng publiko sa mga institusyon.

Sa kabila nito ay binigyang diin ni Gustilo na mayroon namang lehitimong mekanismo para sa whistleblowing at oversight ng sa gayon ay matiyak ang pagiging credible ng mga ebidensya .