-- Advertisements --

Nanawagan ang Digital Pinoys ng imbestigasyon sa umano’y hindi awtorisadong pag-access at pagkuha ng mga dokumento mula sa DPWH.

Ayon kay Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo, ang ulat hinggil sa pagkopya at pagtanggal ng mga file ni Rep. Leandro Leviste mula sa opisina ni dating Undersecretary Catalina Cabral ay nakababahala.

Binanggit niya na ang mga file ng pamahalaan ay may malinaw na sistema ng kustodiya at pananagutan na hindi dapat lampasan.

“Government files and digital systems exist within a framework of custody, authorization, and chain of accountability. Regardless of intent, bypassing these safeguards risks compromising data integrity, enabling selective disclosure, and weakening public trust in institutions. Transparency should not be advanced through self-help or unilateral action,” wika ni Gustilo.

Aniya, ang laban kontra korapsyon ay dapat magpatibay sa mga institusyon at hindi magdulot ng kanilang pagkasira.

Dagdag pa niya, kung nakompromiso ang paraan ng pagkuha ng ebidensya, maaaring mawalan ito ng bisa sa legal na proseso.

Muling iginiit ng Digital Pinoys na ang transparency at accountability ay dapat isulong sa loob ng batas at due process.