-- Advertisements --

Nanawagan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na huwag sanang gantihan o parusahan ang mga 63 miyembro ng Kamara na hindi bumoto sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Giit ni Leviste, dapat igalang ang naging desisyon ng mga kongresista sa ilalim ng proseso ng demokrasya at hindi ito dapat gawing batayan ng anumang uri ng retaliation o political pressure.

Ang panawagang ito ay kasunod ng naunang mga pahayag na nagkaroon umano ng pananakot o “intimidation” at banta sa mga miyembro ng Kamara na hindi susuporta sa impeachment proceedings.

Nauna nang sinabi ni Leviste na siya ay tutol sa impeachment, na tinawag niyang pagsasayang lamang ng oras at paglilihis sa mas mahahalagang isyu ng Kongreso.

Matatandaan, nasa 257 mula sa 290 kongresista na present sa plenaryo kahapon ang bumoto para ma-impeach si VP Sara. Sa naturang bilang may 25 tumutol at siyam ang nag-abstain.

Si Duterte ang kauna-unahang opisyal sa kasaysayan ng Pilipinas na dalawang beses na in-impeach ng Kamara.