-- Advertisements --

Magkakasamang kinondena ng mga mambabatas ng Batangas ang alegasyon ng kanilang kapwa mambabatas na si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste laban kina Executive Secretary Ralph Recto at Governor Vilma Santos-Recto.

Maaalalang inakusahan ni Leviste ang mag-asawa ng umano’y illegal campaign financing, bribery, at iba pa.

Inihain ng Batangas lawmakers ang House Resolution No. 994 na naglalaman sa kanilang pagkondena sa akusasyon ni Leviste, kasabay ng paggiit na ang mga ito ay pawang walang basehan, hindi makatwiran, at mapanirang akusasyon.

Lima sa anim na kinatawan ng Batangas ang pumirma rito na kinabibilangan ng mga sumusunod:

6th District – Rep. Ryan S. Rect
5th District – Beverly Rose A. Dimacuha
4th District – Amado Carlos A. Bolilia IV
3rd District – King George V. Collantes
2nd District – Gerville “Jinky Bitrics” A. Reyes-Luistro

Maaalang sinabi ni Leviste na malalaking bulto ng pera ang nagagastos sa Batangas tuwing halalan.

Kinalaunan, inakusahan din niya ang lahat miyembro ng Kamara de Representantes na bumibili ng boto ngunit mahigpit itong tinutulan ng kaniyang kapwa mambabatas hanggang sa tuluyan din niyang binawi ang kontrobersyal na pahayag at nilinaw na hindi lahat kundi “ilang” kongresista umano ang sangkot sa vote buying.