Inihayag ni Batangas Representative Leandro Leviste na handa siyang bayaran ang gastusin sa ospital ni Malacañang Press Officer Claire Castro kung magpapagamot siya sa stress na dulot ng kanyang cyber libel case.
Bagama’t wala siyang obligasyon, sinabi ni Leviste na susuportahan niya si Castro kung kailangan ng medikal na atensyon at mas mainam aniya kung maibigay ang medical certificate mula sa doktor.
Matatandaan, humihingi si USec. Castro ng P500 milyon bilang danyos mula kay Leviste para sa umano’y paninira sa kanyang integridad at idinulot nitong “sleepless nights at anxiety.”
Aniya, positibo ang hakbang ni Leviste dahil inaamin niya na nagdulot siya ng stress, ngunit nilinaw ni Leviste na hindi ito pag-amin ng pananagutan.
Noong Enero, nagsampa si Leviste ng civil libel complaint laban kay Castro, humihingi ng P100 milyon sa moral damages, P10 milyon sa exemplary damages, at P1 milyon para sa attorney’s fees, dahil sa umano’y paninirang-puri at maling impormasyon tungkol sa kanyang kumpanya sa power sector.
















