-- Advertisements --
Binalaan ng Bagko Sentral ng Pilipnas ang Publiko na huwag basta maniwala sa mga kumpanyana gumagamit ng kanilang pangalan.
Ayon sa BSP na nakarating sa kanilang impormasyon na ginagamit ang kanilang opisina para makapanloko.
Kasama sa mga pineke ay ang mga assurance letters , loan contracts at certification for deposits.
Paglilinaw din nila na wala silang binibigyan ng otorisasyon na mangulekta ng bayad sa anti-money laundering clearance, taxes o insurance.
Kadalasan sa kanilang mga nasita ay ang mga pekeng loan companies na nagpapautang ng malaking halaga na may mababang interests sa mga biktima.














