-- Advertisements --

Kinontra ni Batangas Representative Leandro Leviste ang naging pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na hindi kumpleto ang isinumite ng mambabatas ukol sa ‘Cabral files’ sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Leviste, na hindi bahagi si Clavano noong nakipagpulong ito sa Ombudsman para isumite ang dokumento noong Nobyembre 26.

Giit pa ng mambabatas na kanilang inimbitahan ang Ombudsman subalit nagpakita sila na hindi sila interesado.

Ang Cabral Files ay mga dokumento na ibinigay kay Leviste ng namayapang si ublic Works Undersecretary Maria Catalina Cabral na nag-uugnay sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sa kontrobersyal na insertions ng 2025 infrastructure budget.

Una ng sinabi ni Clavano na hindi kumpleto ang mga isinumite ni Leviste sa mga nilalaman ng Cabral Files.