Itinanggi ni dating senador Manny Pacquiao ang alegasyon na nauugnay siya sa P200 milyon na imprastrakturang proyekto sa ilalim ng iminungkahing 2025 national budget.
Ayon sa ulat, nakalista umano ang pangalan ni Pacquiao bilang isa sa mga nag-request ng flood control at road projects sa Sarangani. Ngunit iginiit ni Pacquiao na hindi na siya senador noong inihanda ang 2025 budget, kaya nakakapagtaka ang nasabing ugnayan.
Binanggit din niya ang kanyang record sa Senado, kabilang ang pagpapatalsik sa Road Board at paglaban sa maling paggamit ng pondo publiko.
Ayon sa kanyang kampo, ang pagbanggit sa kanyang pangalan ay maaaring pagkakamali o paninira sa karakter. Kahit hindi na nasa opisina, nananatili siyang dedikado sa anti-corruption advocacy. (Report by Bombo Jai)
















