Inihayag ng Office of the Ombudsman na hindi umano ipinakita ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang buong dokumentong mula sa pumanaw na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na si Undersecretary Catalina Cabral.
Sinasabi raw kasi nito na mayroon o hawak niya ang listahan ng mga proponents sa maanomalyang mga proyekto nakuha sa namatay na opisyal.
Ayon kay Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano, nilapitan ng mga imbestigador ng Office of the Ombudsman ang mambabatas kasunod nang ilantad nitong mayroon siyang kopya.
Ito aniya’y naganap habang buhay pa si former Public Works Usec. Catalina Cabral nang inirerepresenta ng kanyang legal counsel.
Subalit, ibinunyag ni Assistant Ombudsman Clavano na ‘limited portions’ o parte lamang ng nasa listahan o dokumento ang iprenesenta ng kongresista.
Kung kaya’t taliwas aniya ito sa mga pahayag ni Congressman Leviste nagsasabing ipinakita na ang buong ‘Cabral Files’ sa Office of the Ombudsman.
Habang dagdag pa ng naturang opisyal na mayroon mga lumapit sa Ombudsman ilang sources nagsasabi ring mayroong kopya bg dokumento.
Dito kanyang binigyang diin ang kahalagahan matukoy ang orihinal na ebidensya kumpara sa secondary at third party copies ng sinasabing listahan o Cabral Files.
















