-- Advertisements --

Ipapalabas ng Senate Blue Ribbon Committee ang subpoena para makuha ang tinaguriang “Cabral files” bago ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Miyerkules.

Layon ng subpoena na kuhanin ang mga dokumento mula sa DPWH, na iniwan umano ng yumaong undersecretary Maria Catalina Cabral, na naglalaman ng alokasyon ng pondo sa National Expenditure Program.

Sinabi ni Lacson na mas nais ng Senado na makuha ang orihinal at opisyal na kopya mula sa departamento, sa halip na umasa kay Rep. Leandro Leviste, na nagsasabing may hawak niyang kopya at nakatakdang imbitahan sa pagdinig.

Tuloy naman ang Blue Ribbon hearing sa Enero 19. (report by Bombo Jai)