-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasyenteng nasawi sa lungsod ng Quezon sa loob lamang ng anim na araw mula Agosto 14 -20 ng kasalukuyang taon.

Batay sa kabuuang datos , pumalo na sa 55 na katao ang nasawi mula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Agosto.

Sinabi ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division na pinakamataas na bilang ng mga nagkaroon ng leptospirosis ay mga kalalakihan na mayroong 406 o 80% .

Ang bilang na ito ay mas mataas kumpara sa 104 lamang o 20% na naitalang mga babae.

Mas maraming bilang ng mga indibidwal na nagkaroon ng naturang sakit sa District 2 na mayroong 173 habang aabot naman sa 21 ang naitalang nasawi sa naturang distrito.

Sa District 2, partikular sa anim na barangay, at sa Barangay Commonwealth, naitala naman ang pitong bilang ng nasawi.

Paulit-ulit na nagpaalala ang pamahalaang lungsod na iwasan ang paglusong sa tubig baha. Kung hindi maiiwasan, gumamit ng proteksyon tulad ng bota at guwantes, at panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang dumi at ihi ng daga.