-- Advertisements --

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa sanhi ng sunog sa gusali ng Bureau of Research and Standards ng DPWH Region 4-B Compound sa EDSA corner NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City.

Kahapon, si BFP NCR Regional Director FCSupt. Jaime Ramirez mismo ang nag-inspeksyon sa nasunog na gusali kasama ang pinuno ng mga rumespondeng bumbero at mga imbestigador ng BFP.

Ipinakita sa mga larawan ng BFP-NCR ang laki ng pinsala at mga gamit na natupok ng apoy.

Tinitiyak ng BFP na mayroon na silang mga ebidensya na tutulong para malaman kung saan nagsimula ang sunog.

Kausap na rin nila si DPWH Bureau of Research and Standards Director Juliana Vergara at iba pang opisyal ng DPWH na naka-assign sa gusali.

Pinuri rin ng BFP ang mabilis na pagresponde ng mga bumbero na pumigil sa pagkalat ng apoy sa mga katabing gusali.