-- Advertisements --
Kumpiyansa ang grupo ng mga negosyante na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
Ayon sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na dahil sa pagiging host ng Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay magkakaroon ng magandang epekto ito sa Pilipinas.
Sinabi ni FFCCCII president Victor Lim na magiging mabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa susunod na taon dahil sa epekto nito mula sa pagiging lider ng bansa ng ASEAN.
Kahit na nagkaroon ng negatibong epekto mula sa iba’t-ibang ay maaring samantalahin ng Pilipinas ang hosting ng nasabing ASEAN.
















