Hinimok ng Philippine Institute of Cyber Security Professionals (PICSPro) ang gobyerno at mga lider ng industriya na isulong ang matagal nang kinakailangang reporma sa cybersecurity ng bansa.
Ayon kay PICSPro Chairman Angel Redoble, ipinapakita ng mga kamakailang cyber intrusions sa mga ahensya ng gobyerno kung gaano kahina ang proteksyon ng bansa sa digital threats. Ani Redoble, kailangan ng Pilipinas na lumipat mula sa “reactive, fragmented, at ceremonial approaches” patungo sa mas sistematiko at proaktibong cybersecurity measures.
Itinampok ni Redoble ang multi-pillar framework ng PICSPro, na nagtataguyod ng globally aligned legislation, standardized security protocols, coordinated national incident-response systems, at patuloy na human-capacity development. Binanggit din niya ang mga lapses ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kanilang cybersecurity projects, na nagpatunay na ang mga government systems ay “alarmingly exposed.”
Ani Redoble, kinakailangan ang whole-of-nation approach na may matibay na polisiya, consistent standards, maaasahang infrastructure, at highly trained cybersecurity workforce upang maprotektahan ang mga institusyon, ekonomiya, at mamamayan ng bansa. (report by Bombo Jai)
















