-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Philippine National Police ang publiko laban sa pekeng anti-cybercrime accounts.

Ayon sa PNP na ang mga accounts na Safeweb, Rightful Return PH, at Operation Truth Files ay hindi konektado sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Sinabi naman ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr na hindi sila humihingi ng anumang halaga para sa kanilang serbisyo.

Nanawagan ito sa publiko na isumbong sa kanilang opisina ang anumang iligal na nagpapanggap at gumagamit ng kanilang opisina.