-- Advertisements --

Naglabas ng pagkabahala ang grupo ng mga private hospitals sa pagpapatupad ng no-balance billing policy sa mga government hospitals.

Sinabi nito Private Hospitals Association of the Philippines president Dr. Jose Rene de Grano, na inaasahan nila na mapupuno ang mga private hospitals ng pasyente kapag bumuhos na ang mga pasyente sa mga government hospitals.

Nakasaad sa kasunduan nila ng Department of Health (DOH) na maglalaan ang mga private hospitals ng 10 percent ng bed capacity nila para sa mga charity wards.

Dahil dito ay tiyak na magkakaroon ng problema ang mga private hospital sa dahil sa palagiang puno ang mga charity wards nila.

Paglilinaw nito na kanilang tatanggapin pa rin ang mga emergency na pasyente subalit agad naman nila itong ililipat sa mga government hospitals kapag gumaling na sila.