Tumaas na sa P28 ang suggested retail price ng kada isang piraso ng surgical face mask.

Ayon kay Department of trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, na tumaas daw ang presyo ng mga raw materials na ginagamit sa paggawa ng face mask.

Hindi rin aniya nilang masisi ang mga manufacturer na magtaas ng kanilang presyo.

Mula aniya sa dating P12 ay naging P28 dahil sa matinding global demand dahil sa COVID-19 pandemic.