-- Advertisements --

Sinimulan na ang konstruksyon ang bagong river wall sa Barangay San Jose, Navotas City matapos bumigay ang dating pader nito noong Hunyo 28, na nagdulot ng matinding pagbaha at nakaapekto sa mga residente.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), papalitan ang pansamantalang sandbag at plywood wall ng matibay at permanenteng estruktura. Gayunpaman, nababahala pa rin ang mga residente habang hindi pa tapos ang proyekto, lalo na ngayong tag-ulan.

Kinumpirma naman ng barangay official na nagsimula na ang konstruksyon noong Huwebes at kailangang matapos agad bago dumating ang malalakas na ulan.

Ayon naman sa Navotas City Public Information Office, naiipit ang trabaho dahil sa malalaking alon at pabugso-bugsong ulan, ngunit pinapaspasan pa rin ang pagtapos sa proyekto.