Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamilyang naulila ni dating Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Nakasaad sa pahayag ng ahensiya na ang 40 taong pananatili ng dating opisyal at ang tuluyan niyang pagpanaw ay tiyak na ipagluluksa ng buong organisasyon.
Nag-alay din ang ahensiya ng panalangin para sa pagpanaw ng dating usec.
Kasabay nito ay hinikayat ng DPWH ang bawat isa na respetuhin ang privacy ng pamilyang naulila ni Cabral, kasabay ng kanilang patuloy na pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng dating opisyal.
Kahapon (Dec. 18) nang patungo si Cabral sa probinsya ng La Union ngunit bago makarating sa naturang probinsiya, nagpaiwan muna siya sa Benguet.
Kinalaunan, nakita na lamang ang kaniyang katawan sa isang bangin na tinatayang may lalim na 30 metro.
Una nang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na makasuhan si Cabral dahil sa umano’y kinalaman niya sa malawakang korapsyon na bumabalot sa flood control at iba pang public infrastructure project sa bansa.
















