-- Advertisements --

Isinuko ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa Department of Justice (DOJ) ang pangalawang bahagi ng P300-million kickbacks mula sa flood control project, ayon kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida.

Kung saan mahigit P70 million dito ang naibalik sa gobyerno.

Matatandaan na una nang isinaoli ng dating opsiyal ang nasa P110 million noong Nobyembre 28, na bahagi ng sinasabing ipinangakong ‘restitution.’

Kinumpirma rin ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na kwalipikado na si Alcantara bilang state witness.

Umaasa ang kampo ni Alcantara na makatutulong ang pagsasaoli ng pera para mapili siya bilang state witness sa kaso.