-- Advertisements --

Ibinunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ayaw ng pamilya ni dating DPWH Undersecretary na si Maria Catalina Cabral na isailalim sa autopsy ang kaniyang mga labi.

Ayon sa alkalde, napagdesisyunan na ito ng magkakapamilya.

Ito ay taliwas sa naunang report ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sumasailalim na sa autopsy ang labi ng namayapang undersecretary.

Giit ni Magalong na dati ring nagsilbi bilang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group, mas nakabubuti sanang isailalim sa autopsy ang katawan ng nasawing opisyal, lalo at kahina-hinala ang insidente ng kaniyang pagkamatay.

Hanggang sa ngayon, nananatiling palaisipan kung nagpakamatay ang dating opisyal o kung may foul play sa kaniyang pagkasawi matapos marecover ang kaniyang katawan sa isang bangin sa bayan ng Tuba, Benguet kagabi (Dec. 18).

Una na ring umapela ang Independent Commission for Infrastructure na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dating opisyal upang matukoy kung mayroong foul play na nangyari.

Nananatili naman sa kostudiya ng mga otoridad ang driver ni Cabral na si Ricardo Munos Hernandez.

Si Hernandez ang pinaniniwalaang huling nakakita kay Cabral bago siya natagpuan patay