Nauwi sa overtime ang laban sa pagitan ng Sacramento Kings at Portland Trailblazers, dalawa sa mga kulelat na team sa western conference.
Bagaman hawak ng Kings ang single-digit lead sa pagtatapos ng 3rd quarter, naitabla ito ng Blazers sa 105 sa pagtatapos ng regulation.
Pagpasok ng 5-min overtime, walang sinayang na sandali ang Portland at agad nagpasok ng 15 points sa loob lamang ng apat na minuto.
Pinilit ng Kings na habulin ang deficit sa huling isang minuto ng OT at nagawang makalapit 23 seconds bago matapos ang laban, 129-132.
Labingpitong (17) segundo bago matapos ang laban, dinala ng Kings ang score sa 131-132, at pinilit na burahin ang isang puntos na deficit. Nagtagumpay naman ang koponan sa tulong ng isang midrange ni De Rozan sa huling segundo ng laban.
Tinapos ng Kings ang laban, 133-132, hawak ang isang puntos na kalamangan.
Nagpasok ng 33 points ang si Blazers shooter Deni Avdija sa loob ng 42 mins na kaniyang paglalaro. Gumawa naman ng 26 points ang bagitong bench na si Shaedon Sharpe
Sa winning team na Kings, gumawa ng 31 points si Demar DeRozan na nagbuhos ng siyam na field goal at perfect-10 na free throws.
















