Pumirma ng 5-year contract extension si Sacramento Kings forward Keegan Murray.
Nagkakahalaga ng $140 million ang naturang kontrata at magtatagal hanggang sa 2030-2031 NBA season.
Bagaman ilang season pa lamang ang ginugol ni Murray sa NBA, nagawa niyang magtala ng ilang record na iilang player lamang ang nakakagawa.
Kinabibilangan ito ng 500 3-pointers, 150 blocks at 150 steals sa loob lamang ng tatlong season, isang record kung saan dalawang player pa lamang ang nakakagawa na kinabibilangan nina Anthony Edwards at Derrick White.
Sa nakalipas na season, siya ang nagsilbing pangunahing perimeter defender ng Kings, hawak ang impresibong average na 12.4 points, 6.7 rebounds, at 1.4 assists
Nagtamo siya ng minor injury sa kaniyang kaliwang hintuturo sa nakalipas na season at hindi nakapaglaro sa loob ng sampung games. Gayunpaman, nagawa niyang magtagal ng 34.3 minutes sa bawat game na kaniyang inilaro.