-- Advertisements --

Hindi napigilan ng Portland Trailblazers ang bigtime comeback win ng Golden State Warriors sa pagharap ng dalawa sa preseason, 129-123.

Sa pagtatapos ng halftime, hawak na ng Blazers ang 16-point lead at lalo pang lumobo sa 19 points bago ang 4th quarter, 97 – 78.

Gayunpaman, pagpasok ng huling quarter ay agad umarangkada ang episyenteng opensa ng Warriors, sa pangunguna ng bagitong bench na si Quinten Post. Sa loob ng 12 mins. ay nagawa ng koponan na magpasok ng 51 big points habang tanging 26 points ang naging ganti ng Portland.

Dahil dito, ipinoste ng Warriors ang 6-point win sa pagtatapos ng laban, tangan ang dalawang panalo ngayong preseason.

Kumamada si Post ng 20 points at apat na rebounds habang 1 points naman ang ambag ng kaniyang kapwa bench player na si Buddy Hield.

Bagaman preseason pa lamang, muli ring naglaro ang star players ng Warriors na sina Stephen Curry, Draymond Green, at Jimmy Butler sa loob lamang ng ilang minuto.

Sa kabilang banda, nasayang lamang ang 22 points, at 6 rebounds ng Blazers guard na si Shaedon Sharpe, kasama ang 14 points ng forward na si Toumani Camara.