Naniniwala ang neophyte lawmaker na si Panday Bayanihan party-list Rep. Brian Poe na karapatan ng taumbayan na makita ang ebidensya.
Tugon ito ni Rep. Poe ng mahingan kung ano ang kaniyang posisyon sa impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Ngayong araw naghain ng unang sampung panukala si Poe kabilang na ang freedom of information o FOI Bill.
Sinabi ni Poe na mahalaga ang freedom of information para sa transparency at accountability sa pamahalaan.
Kaya naman pagdating sa usapin ng impeachment trial ni VP Sara Duterte, suportado aniya niya na matuloy ang paglilitis upang mailatag ang mga ebidensya.
Nang tanungin kung susuporta siya sa hinihinging sertipikasyon ng Senate impeachment court kung desidido pa rin ang 20th Congress na ituloy ang paglilitis, sinabi ni Poe na susundan niya ang naging posisyon ng kaniyang ina na si Sen. Grace Poe na bumoto pabor sa pagusad ng trial.