-- Advertisements --
Binawi ng grupo ng mga magsasardinas ang hirit nilang taas presyo sa kanilang produkto.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque nakapulong niya ang Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) at nagpasya sila na huwag munang ituloy ang plano.
Tiniyak ng grupo na walang anumang pagtaas na mararanasan at sila ay susunod.
Isinagawa ang pulong matapos ang planong pagtaas sana ng grupo ng presyo ng sardinas na mula sa P21 ay magiging P24.00 kung saan ang rason nila ay dahil sa pagtaas ng bilihin.