-- Advertisements --
Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukalang pagbibigay insentibo sa mga manufacturers ng mga electric vehiciles.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque na kaniyang naaprubahan ang draft ng EV Incentives Strategy (EVIS) ng Board of Investments (BOI).
Kanilang isusumite na ito sa Fiscal Incentives Review Board (FIRB) kung saan isasagawa ang pagpupulong.
Ang nasabing hakbang ay para dumami lalo ang mga Pinoy na bibili ng mga electric vehicles.